Saturday, July 28, 2012

Bahay ko to. Walang pakialaman!

Isang araw nakita ko si ms sales lady sa napakaganda nyang outfit with matching stockings, nice skirt and a very lovely face.
"Plak...."  tunog ng kung ano man ang kanyang ginagagawa
"Plak...."
"Plak Plak......"  napalingon na ako, ang daming plak eh...
"Plak Plak Plak Plak Plak ......."
biglang huminto at tumingin sa kuko si ms sales lady... 
"Plak Plak ....."
Sales Lady: "Ayan malinis na...".... with matching ihip!! Pag ihip nya lahat ng remnants nung kuko napadpad sa katabi. Ewwwwww!!!!

Isang araw ulit, si anak na karga karga ni nanay.
Anak: "Mommy gutom na ko...."
Nanay: "O sige, saglit lang...." (sabay ayos ng damit). Lingon sa kaliwa lingon sa kanan. Ayan pagkakataon na!
Nanay: "O ayan, bilisan mo a"
After 2 minutes, pinunasan ang bibig sa damit ng nanay. 
Anak: Solve!!!!

Isang araw na naman, napakagandang tanawin na aking nakita. Isang makati girl na hottie....
"Asan na ba yun?"
halungkat dito halungkat doon.. 
"Ayun pala..". at sabay naglagay ng lipstick. After applying her lipstick
"Asan na ba yun..." 
halungkat dito halungkat doon 
"Ayun pala..." at sabay naglagay ng maskara.... ulitin ng mga 5 beses sa kung saan saang parte ng mukha.
Halungkat ulit ng malupit.......  
.......
.......
Sa sobrang laki ng bag di na mahanap. Dapat bagpack na kasi dalhin nyo, para kasya buong aparador.
Halungkat pa din, ilang minutes na. Parang instrument na pang caroling ang tunog ng panghahalungkat nagbabanggan ang kung ano anong plastic, metal, sa loob ng bag, kumukunot na ang noo at pinagpapawisan. Kawawa pala ang mga security guard pag nag sesearch sa mga establishments no? Hmmm ngayon ko lang naisip..
......
Halungkat ulit.....
..........
BANG!!!! 
.........
Yan pala ang mga brands na ginagamit mo ah.... next time magingat ka para hindi mahulog lahat yan! Hottie na sana e!


Hulaan nyo kung anong common denominator na sasabihin ni Ms Hottie, Ms Sales Lady at ni Nanay.


Sirit na? Eto yun.


"Manong bayad po"


Akala nyo nasa bahay sila? OO parang nasa bahay nila sila. Hindi ko magets kung pano nila nagagawa yun. 

Ang malupit yung nagpapadede. Amazing!!

"Manong para!" Ayoko na....